Posts

Showing posts from February, 2020

Mga Basura na Hindi Natatapon ng Maayos

Image
         Lingid sa ating kaalaman, bawat bahay mayroon talagang basura. Sa mundong ating ginagalawan ngayon, bawat oras ay gumagawa ang mga tao ng mga bagay na kapag hindi na nila ito ginagamit, tinatawag na itong basura. Maraming bagay na hindi natin maintindihan, mayroon ding mga bagay na mahirap maunawaan, katulad nalang ng mga problema sa ating lipunan.      Ang pagkalat at hindi pagtapon basura ng maayos ay isa sa dahilan kung bakit hindi malinis at magandang tignan ang ating kapaligiran. Dahil sa pakalat kalat na mga basura at ang madumi na kapaligiran, nagkasakit ako. Hindi madaling magkasakit ngunit ang pagtagpon ng basura ay madali lamang. Bakit hindi ito maitapon ng maayos na meron namang mga basurahan kung saan inilalagay ang mga basura, hindi sa kung saan - saan nalang ito tinatapon.      Ang solusyon sa problemang ito ay ang pagtulong tulong sa isa't - isa. Sa madaling sabi, magtulong tulong tayo para malinis ang ating kapaligiran. Ipabatid natin ang importans